Abalos kinuhaan na ng mug shot at fingerprints

NAKUHAAN na sa mug shot at fingerprint si dating Commelec Chairman Benjamin Abalos makaraang maglabas ng warrant of arrest ang Pasay City Regional Trial Court (RTC) kaugnay sa kinakaharap nitong kasong electoral sabotage.

Ayon kay Pasay RTC Branch 112 Spokesperson Selda Domingo, inilabas ng korte ang arrest warrant matapos ibasura ang hirit ng kampo ni Abalos na “very urgent motion for judicial determination of probable cause.”

Sinabi ni Domingo na kailangang idaan sa prosesong mug shots at fingerprinting si Abalos tulad na ginawa kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bago ito ihatid sa kanyang piitan sa Southern Police District headquarters detention cell.

Sinabi naman ni Mandaluyong Mayor Benjur Abalos na sinamahan niya ang kanyang ama para sumuporta alinsunod na rin sa kanilang pangako sa korte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply