Abalos nakapiit sa isang kuwarto ng SPD

NAKAPIIT ngayon sa isang opisina ng Southern Police District (SPD), Fort Bonifacio, Taguig City si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos matapos magpalabas kahapon (Disyembre 13) ng commitment order si Judge Jesus Mupas ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112.

Sa kasalukuyan ay nasa 2nd floor ng tanggapan ng Special Operation Task Group (SOTG) si Abalos at walang ibang laman ang maliit na kuwarto kundi ang kamang gawa sa kahoy at isang bentilador.

Ayon naman sa SPD, dapat sumunod ang kampo ni Abalos sa regular na visiting hours na alas-9:00 hanggang alas-11:00 ng umaga at ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Una nang isinuko ni Abalos ang kaniyang sarili sa korte matapos lumabas ang arrest warrant kaugnay ng kasong electoral sabotage.

Sa Biyernes (Disyembre 16) ireresolba ng korte ang mosyon ng mga Abalos para sa piyansa at house arrest. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply