Abalos pinakakasuhan sa 2007 poll fraud

KINALAMPAG ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang Commission on Elections (Comelec) na kasuhan kaagad ng electoral sabotage si dating Chairman Benjamin Abalos na umano’y sangkot sa malawakang dayaan noong 2007 senatorial elections.

Sinabi ni Pimentel na dapat maipaliwanag ng Comelec sa mamamayan kung bakit hindi pa kinakasuhan at nananatiling nakalalaya si Abalos sa kabila ng testimonya ng ilang testigo na bumanggit sa kanyang pangalan bilang mastermind ng dagdag-bawas noong nakaraang halalan.

“I urge Comelec Chairman Sixto Brillantes to expedite the filing of charges against Abalos as he was among the suspected big fish that orchestrated the rigging of the results of the 2007 senatorial elections,” ayon kay Pimentel.

Iginiit pa ni Pimentel na dapat itigil ng Comelec ang ugaling “protect your own” kundi wala nang pag-asa pang maisagawa ang reporma at mailigtas ang komisyon sa talamak na dayaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply