Abalos posibleng mag-Pasko sa kulungan

MALAKI ang posibilidad na mag-Pasko si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos sa kulungan sakaling maihain ngayong araw o hanggang sa Lunes ang panibagong set ng electoral sabotage case na napagtibay na ng commission en banc kaninang umaga lamang.

Base sa pahayag ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, maaaring hindi mapunta ang kaso sa sala ni RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas na siyang dumidinig sa kaso ni dating Pangulong Gloria Arroyo, pero Pasay court pa rin ang hahawak ng usapin.

Una nang sinabi ni Abalos na hindi siya hihiling ng anumang hospital arrest kahit may dinaramdam siya upang ipamukha sa Aquino administration na malinis ang kaniyang konsensiya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply