Abalos susuko agad kung may warrant

WALANG balak magtago si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos sa kasong isinampa sa kanya kaugnay sa malawakang dayaan noong nakaraang 2007 elections.

Sinabi ni Abalos na boluntaryo pa umano siyang susuko sa Pasay City Regional Trial Court sakaling maglabas na ito ng warrant of arrest.

Una rito, isinampa na ni Comelec chairman Sixto Brillantes ang electoral sabotage laban sa dating poll body official na walang nakatakdang piyansa.

Ang nasabing kaso ay non-bailable o walang piyansa, kung kaya’t tiyak na kulong ang aabutin ni Abalos.

Maalala na una na ring nagsampa ng katulad na kaso ang Comelec laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo, kung saan noong November 18, ipinagutos ni Pasay-RTC Judge Jesus Mupas ang pag-aresto sa former president.

Kasabay nito, inihayag ni Abalos na hindi na umano siya nasorpresa sa naturang hakbang ng Comelec at sa katunayan mas mabuti na rin umanong maisalang nsa korte ang kaso para kaniya namang maidepensa ang sarili.

Bagama’t wala siyang inaasahan na patas na pagtrato mula sa kasalukuyang administrasyon, kaniyang ipinapasa-Diyos na lamang umano ang lahat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply