Abalos swak sa electoral sabotage

WALANG duda si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na makukulong si dating Commission on Elections (Comelec) chairman, Benjamin Abalos, sa kasong electoral sabotage na isinampa sa Pasay City Regional Trial Court hinggil sa naganap na dayaan noong 2007 elections.

Sa panayam, sinabi ni Pimentel na dapat maghanap na ng magaganling na abogado ang kampo ni Ablos sa halip na mag-organisa ng welgista upang pabulaanan ang testimonya ng ilang testigo na nagtuturo sa dating Comelec chief na sangkot sa dayaan.

“Maghire siya ng magaling na lawyer kasi detalyado yung affidavits laban sa kanya,” ayon kay Pimentel.

Ayon kay Pimentel, kailangan pag-aralan ni Abalos ang testimonya at ebidensiya na nakalap ng Comelec sa kasong electoral sabotage sa halip na mag-organisa ng welgistang kumokondena sa Senado.

“Kaysa mag-organzie siya ng raliyista. Mag-organize siya ng team of lawyers at grabe kasi kadetalyado yung allegations against him,” ayon kay Pimentel.

Nitong Miyerkules (Disyembre 7), naghain ang Comelec ng electoral sabotage case laban kay Abalos kabilang si dating elections supervisor Yogie Martirizar at Capt. Peter Reyes ng Armed Forces of the Philippine Intelligence Service sa Pasay City Regional Trial Court.

“ Let us say na confirmed na yan. Mabuti naman at kumilos na po ang Comelec. Actually unfair kay former president GMA yun. Isa lang ang testigo laban sa kanya, kay Abalos tatlo. Bakit naunahan pa siya masampahan ng kaso? At least the Comelec is acting fairly. Akala ko kasi may protect your own culture pa rin sa Comelec,” aniya.

Ibinasura din ni Pimentel ang panukalang isailalim sa hospital arrest ang dating opisyal tulad nang isasagawa kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na nakatakda nang ilipat sa Veterans Memorial Medical Center bukas (Disyembre 10) alinsunod sa kautusan ng korte.

“Si former chairman Abalos I know he is fit as he plays golf almost every day. Walang medical reason or excuse na mag-hospital arrest po tayo.  Kung hindi puwede ang hospital arrest then we follow the Rules of Court it must be a detention center or detention cell,” giit niya. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply