Abusadong BoC police at waterless na water district

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga reader na mailahad ang kanilang mga kaisipan, karanasan, paniniwala at mungkahi ukol sa mga nagaganap sa ating bayan.

ABUSADONG BOC POLICE

Ito po pala ang nangyari sa Bureau of Customs sa MICP noong Linggo. May hinuli ang mga Customs police na sina Rey Labrador, Jun Alarca, Roger Yadao at pinagbintangang nagnanakaw sa building.

Iniutos ni Capt. Tengbits na gulpihin yung tao para maturuan ng leksyon. Ikinulong yung tao at hanggang ngayon ay walang ebidensya at witness na lumulutang. Baka puwede ninyong tulungan at ìparating kay Sir Ruffy Biazon ang ukol sa mga abusadong customs police.

PLATE NUMBER SA MOTORSIKLO

Gud p.m., Sir Benny, ng ultImatum. Dapat lahat ng motor sa buong Pilipinas may nakalagay na plate number ng motor sa helmet. Sa harap at likod at kapag hindi tugma ang plaka ng angkas sa suot na helmet ng driver, dapat na hulihin. Dapat iisa lang ang plate number sa dalawang helmet. Concerned citizen ng  Taguig City. +63928366….

PERHUWISYO NA WATER DISTRICT

Ito pong Bulacan Water District dito sa San Jose del Monte, Bulacan ay palagi na lang na alanganing gumawa ng serbisyo. Kung hindi hapon, umaga. Kung kailan gagamitin ng tao ang tubig.

Tulad ngayong papasok sa eskwela ang mga anak namin, wala namang magamit na panligo, walang panghugas ng puwet ng anak ko. Water district, wala kayo palagi sa ayos.

wala namang tubig sa water dist.

Nagtatanong po ako thru text sa Bulacan Water District. Kasi po, bali-balita po na next year pa raw  magkakaroon ng tubig dito po sa Towerville 6B, Brgy. Gaya-gaya, San Jose del Monte, Bulacan.
Until now hindi man lang nagre-reply man kung totoo o hindi ang balitang yun.

NAGUGULUHAN SA BAYAD SA LUPA

Good pm, po. Ako po si Boy ng Southville Brgy. San Isidro, Montalban,  Rizal. Miniting po kami rito at sinabing  si Mayor Bistek ng Quezon City ay magpapautang ng P20,000 sa bawat pamilya at ang bayad daw po ay idaragdag sa bayarin namin sa bahay.

Instead na P200 every month, magiging P263. It means na sa National Housing Authority kami magbabayad.

Ang gulo po ng paliwanag nila.  Nagtanong  po kami at ganun daw talaga. Ang dami naman ng pera ni Mayor Bistek.  Ang pagkakaalam ko nga po ay sa amin talaga ang perang iyon. At ginigisa lang kami sa sariling mantika. Pinondohan kami ng Ayala ng P110,000 kada pamilya. Last month nga po, may ni-relocate rito at binigyan ng P5,000 ng NHA. Tapos binigyan din sila ni Kagawad Pelaez, ng Brgy. Pag-asa, Quezon City ng P24,000. Tapos sa amin ay utang. Ang kakapal nila! +63908265….

GRABENG SINGILAN SA ESKWELA

Gud day, Sir Benny! Dito  po sa amin sa GMA, CAVITE, grabe po ang singilan sa school, sa San Jose Community High School. Dapat magbayad ka at kung hindi ay ibabagsak ang estudyante.
Pakisilip lang po. Concerned student. Please dont’t publish my number.    +63946506….

RANGGO, NGALAN NG PULIS IPAKITA

Gud am po, Ka Benny. Pwede po bang lagyan ng ranggo at name ang type b (blue) uniform ng kapulisan? ‘Di ko naman po nilalahat, may  salbaheng pulis na gumawa ng kalokohan, pero hindi ma-identify dahil wala silang name. Salamat po. +63927983….

MENSAHE KAY MRS. HORN

Elena Bautista Horn, alam mo ba ang mga nagawang kasalanan sa masang Filipino ni Gloria. Ngayon hinahabol na siya ng masang Pinoy. Ikaw? May kasalanan ka rin sa masa kaya ingat ka na lang sa pagsasalita mo para di mahalungkat ang mga atraso mo sa bayan.   +6391996….

BUHAY LALONG HUMIHIRAP

Ako ay hindi maka-Gloria dahil mandaraya siya at sagad sa kurakot. Pero noong panahon niya, kahit ganoon siya, hindi  ganito kahirap ang buhay. Ngayong magpa-Pasko na pero lahat ng bilihin ay lagpas langit ang presyo ng mga bilihin.

‘Yung iba, nagpapakamatay na lang sa sobrang hirap. Tamang daan, higpit ng sinturon, yan ang maririnig mo. Wala na ngang sinturon, naputol na sa kahihigpit.

Sa tamang daan, riding in tandem ang nandiyan at walang nahuhuli. Diyos ko po, kailan kaya giginhawa ang buhay?

Buwiseeet! na buhay ‘to. Mag-EDSA na uli o kaya’y mag-Kudeta nang mas masaya! Yahooo!!! +63915981.

PAMAHALAAN NAKATATAKOT NA

Gud pm po, hindi po ako magtataka, Ka Benny, sa  kawalan ng hustisya rito sa ating lupang sinilangan dahil ang nasa kapangyarihan ay mga nang-aabuso. Ang akin lang pong takot ay ang darating na election sa kawalan ng galang ng ating kinikilalang gobyerno at kung ano ang  gustuhin ay siyang mangyayari.

Kung sa dating mga Presidente nagagawa nilang labagin ang karapatan, sa isang pangkaraniwang tao pa kaya? Kaya ko po nabanggit ang election ay buhay akong saksi at aking napanood sa telebisyon ng pagtulungan ang pulis na agawan ng baril na machine gun at barilin ang pulis sa ulo.

Ano ang gagawin ng pulis kung hindi lumaban? Eh ka-Liberal ni PNoy, kumpare at kinakapatid pa ang namatay. Ayun ang nagtanggol na mga pulis pa ang nademanda. Wala na akong alam na lumalaban sa mga pulitiko, walang iba kundi si FPJ. Sino pang pulis ang lalaban kung ikaw pa ang madedemanda? Wala na kaya aabusuhin nila ang poder nila dahil nakapu-westo sila. +63946597…

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply