Abusadong employers sa OFWs may kulong

AARESTUHIN at maparurusahan na ang employers na nang-abuso sa OFWs sa oras na sila ay tumuntong sa Pilipinas.

Ito ay dahil sa isinusulong ni Quezon City Rep. Winston Castelo na House bill 5501 o ang Added protection to overseas Filipino workers act of 2011.

Inaamyendahan ang probisyon ng extra-territorial criminal jurisdiction ng Revised Penal Code na ang mga krimen o paglabag na ginawa ng foreign employers sa OFWs ay mapapaloob sa Article 2 ng saligang batas.

Binibigyang halaga ng panukala ang interes ng OFWs na inalipusta at nilabag ang karapatan na maaaring hindi nabigyang atensyon sa bansang kanilang pinagtrabahuan ngunit maparurusahan naman ang nabanggit na employers sa sandaling sila ay tumuntong sa teritoryo ng Pilipinas.

Iginiit ni Castelo na maituturing na mahusay at malaking hakbang sa criminal justice system ng bansa kung mapaparusahan ang foreign employers sa oras na magpunta sa Pilipinas upang hindi na maulit ang iba’t ibang pang-aabuso sa mga manggagawang Filipino sa abroad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply