Abusadong tricylce drivers sa Makati

PANAHON na naman ng kapaskuhan kaya sangkaterba na namang reklamo ang tinatanggap ng Land Transportation Of-fice (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) mula sa mga commuter la-ban sa mga abusadong driver ng mga pampublikong sasakyan.

At madalas na ireklamo ng mga pasahero ay ang mga bastos, arogante at abusadong mga driver ng taxi, FX, jeepney at maging ng mga pedicab, kuliglig at tricycle.

Ang karaniwang angal ng mga pasahero ay cutting trips na ginagawa ng mga driver ng jeepney at FX, ang overcharging ng mga taxi driver at ang pagtanggi nila na maghatid sa mga lugar na nais puntahan ng mga pasahero.

Dahil dito inutusan ni LTO Chief Virginia P. Torres ang mga kagawad ng LTO Flying Squad na lalo pang paigtingin ang kanilang kampanya laban sa mga abusadong driver ng mga pampublikong sasakyan.

At dahil sa pinag-ibayong kampanya, iniulat ni Director Edgar Cabase nang LTO Law Enforcement Section na umabot na sa daan-daang bilang ng mga driver ang kanilang nahuli.

Subalit kung maigting ang kampanya ng LTO laban sa mga abusadong driver, tila wala namang ginagawang hakbang ang mga lokal na pamahalaan para sawatain ang mga abusadong driver ng tricycle at pedicab sa kanilang mga nasasakupan.

Halimbawa na lang sa lungsod ng Makati na kung saan ay isinusuka nang mga pasahero ang napakataas na singil ng mga tricycle driver.
Maraming beses ko nang narinig ang reklamo ng mga pasahero na hinihingan umano sila ng P20 bawat sakay kung malapit lamang ang pupuntahan at madaragdagan pa ito kung mas malayo ng konti ang pupuntahan.

Susmaryosep na buhay ito!

Kailan pa nagkaroon ng flat rate ang mga tricycle? (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply