Access cards ibibigay sa typhoon victims

MAKARAANG magkaproblema ang Deparment of Social Welfare and Development Office (DSWD) sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong Sendong, nagpasya ang mga ito na bigyan na lamang ng access cards ang mga lehitimong nabiktima ng bagyong Sendong.

Sa panayam kay Secretary Dinky Soliman, napagpasyahan nila ng local government units (LGUs) na mamahagi ng family access cards sa mga totoong biktima ng kalamidad upang maiwasan ang pagkakagulo sa relief operations o pag-agawan ng mga humihingi ng tulong.

Nabatid na batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa mahigit kalahating milyon katao mula sa Cagayan de Oro City, Iligan City at ibang pang lugar sa Northern Mindanao at Visayas ang apektado ng kalamidad na humihingi ng tulong matapos mawalan ng hanap buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply