Actor Tyron Perez inutas sa Valenzuela

MAY tama ng bala ng baril nang matagpuan ang bangkay ng Star Struck actor na si Tyron Perez sa loob ng kanyang Toyota Altis sa Valenzuela City ngayong gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Valenzuela PNP, isang tama ng bala ng kalibre 22 na baril sa kanyang kanang sentido ang kumitil sa buhay ni Perez.

Sinasabi ng ilang napadaan sa lugar na buhay pa ang makina ng sasakyan nang makita ang nakahandusay na young actor.

Palatandaan na posibleng hindi pa nakakalayo ang may kagagawan ng pamamaslang.

Sa ngayon ay blangko pa ang pulisya sa posibleng motibo sa pagpatay sa biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply