Adamson, double-win sa UAAP volleyball

NAKAPAGTALA ng parehong panalo ang men at women volleyball team ng Adamson University Falcons sa UAAP season 74 tournament FilOil Flying V Arena sa San Juan City noong Miyerkules.

Nanalo sa loob ng 5 sets, 18-25, 25-18, 21-25, 25-10, 15-09 ang Lady Falcons laban sa National University Lady Bulldogs habang ang mens team sa pangunguna ni Ronjay Galang na bumanat ng 17 hits at dalawang block ang naghatid ng panalo sa San Marcelino Falcon ng 25-23, 25-16, 25-15 kontra sa Universtity of the Philippines mens team.

Magbabalik ang laro sa Enero 7 sa The Arena, sa San Juan City bakbakan ng Ateneo Blue Eagle kontra Adamson Falcons na susundan ng La Salle Green Archer laban sa UP Fighting Maroons, habang sasabak ang Ateneo Lady Eagles kontra Adamson Lady Falcons kasunod ng paluan ng Far Eastern University Lady Tamaraws at Lady Eagles.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply