AFP dapat manguna sa search, rescue operation

HINILING ngayon Senador Koko Pimentel sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na pangunahan ang search and rescue operation para hanapin ang 350 katao na nawawala sa Cagayan de Oro City dulot ng bagyong Sendong.

Ayon sa senador, ang AFP at mga sangay nito, gaya ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard at Philippine Army ang pinakamahusay na ahensiya para magsagawa ng rescue at relief operation para makita ang mga nawawala sa Cagayan de Oro.

Base umano sa tallies mula sa local Red Cross, sinabi ni Pimentel na sampung evacuation center sa Cagayan de Oro ang tinutuluyan ngayon ng 3,700 katao o 744 pamilya.

Giit pa ni Pimentel, kailangang-kailangan umano ng bottled water at water supply system ng mga biktima ng kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply