AFP walang paki kung buhay man o patay si Umbra Kato

WALANG pakialam ang Armed Forces of the Philippine kung buhay man o patay na si Moro Islamic Liberation Front breakaway commander Ameril Umbra Kato, lider ng itinatag na Bangsamoro Islamic Freedom Fighter.

Ayon kay Col Arnulfo Marcelo Burgos, AFP Spokesman, na may ulat silang natanggap na kinukumpirma na patay na si Kato subalit patuloy pa rin itong ikinakaila ng BIFF.

“Dead or alive, our security forces will remain vigilant and will continue to monitor the movement of his group. We hope that whoever is now leading Kato’s faction would rethink their stand and take this as an opportunity to talk and iron out their differences with the MILF leadership,” ani Burgos.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar na patay na si Kato.

Base kay Jaafar, na batay naman sa kanilang official source na patay na si Kato pagkatapos atakihin sa puso, ilang araw matapos na makipagkita kay MNLF Founding Chairman Nur Misuari.

Kanina ay nagsagawa ng 7th Day Kanduli sa loob mismo ng Camp Omar, Talayan, Maguindanao, kasama ang buong pamilya ni Kato at mga opisyal ng BIFM.

Si Kato ay inilibing malapit sa kanyang tahanan sa Camp Omar.

Itinago umano ang pagkasawi ni Kato para hindi ma low-moral ang kanyang mga kasamahan sa BIFM at mga taga-suporta nito.

Tahasan naman itong pinabulaanan ng tagapagsalita ng BIFF kasabay ng akusasyon na sinungaling si Jaafar matapos nitong sabihin na naniniwala ang MILF na tuluyan nang namayapa ang kanilang lider.

Ayon kay BIFF spokesman Abu Misri-Mama,  walang katotohanan ang inihayag ni Jaafar na patay na si Kato dahil buhay pa umano ito at nagtatago lamang sa ngayon upang magpagaling ng husto mula sa kanyang karamdaman.

Iginiit din ni Mama na sila lamang ang may karapatang magsabi o magpatunay na buhay pa o patay na si Kato at hindi ang ibang tao gaya ni Jaafar o ng grupong MILF.

Ayon kay Mama, kung anuman ang kalagayan ni Kato, sila lamang umano ang nakakaalam at hinihintay lamang nila ang pagbabalik nito.

Mahigpit din umano na ipinagbilin ni Kato na huwag siyang puntahan kung saan man siya naroroon dahil siya ay babalik at muling magpapakita sa kanyang mga kasamahan sa BIFF.

Ang isinagawa umanong kanduli ng BIFF kanina sa kanilang kampo sa Camp Omar ay upang magtipon lamang ang mga kasapi ng kanilang grupo para magpasalamat kay Allah.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply