Ai-Ai delas Alas may alam sa sikreto ni Bossng Vic

KALOKA ang naging takbo ng presscon ng Enteng Ng Ina Mo dahil pang-GP ang pelikula pero ang ilan sa katanungan sa Q&A portion ay nakatuon sa sekreto ni Vic Sotto kung bakit maraming mga kabataang babae ang nahuhumaling sa kanya.

“Si Bossing, parang daks no? Super daks,” pangungumpirma ni Ai-Ai delas Alas sa lihim ng kanyang leading man.

Inamin din ng komedyana na mayroon silang kissing scene ni Bossing na inilalarawan nitong ‘sakto’ lang. As in, tama sa hulma. Tawanan ang lahat sa loob ng Dolphy Thea -ter, isang dahilan kaya medyo dismayado ang nag-preside ng preskon dahil ang gusto niyang mangyari ay pang-GF ang mga katanungan.

Given na sa mga nakaraang presscon para kay Ai-Ai ay no-holds-barred ang mga tanong, as in, anything goes na sinasagot naman nito sa paraan ng pagpapatawa kaya expected na magiging riot kung pagsamahin ang dalawa na naganap mismo sa nasabing preskon ng MMFF entry ng Star Cinema, Octo Arts, APT and M-Zet Productions.

And to think, wala pa roon si Eugene Domingo na absent sa nasabing event dahil tiyak magiging sobrang riot ang tatlo sa pagpapatawa.

It’s a giant cast, kompleto ang cast ng Enteng at ganun din sa Tanging Ina Mo kaya tiyak labu-labu ang mga eksenang mapanonood. Ayon kay Bossing, sinadya nilang gawing pang-GP ang pelikula dahil ang Pasko ay para sa mga bata.

Sa pelikulang ito ay kinumpirma rin ni Ai-Ai na isa siya sa mga prodyuser. Aniya, konting porsyento ang ibinigay sa kanya kaya hindi pa siya matatawag na big-time producer.

Napag-usapan din ang isyu tungkol sa pagsama ng loob ni Wenn Deramas dahil lahat ng Tanging Ina episode ay siya ang nagdirek pero dito sa nasabing pelikula ay solo ni Tony Y. Reyes. “‘Yung kay Direk Wenn, matagal nang isyu ‘yun pero sa tingin ko sa sitwasyon na ganito, bunso lang po ako dito sa Star Cinema, wala akong alam, sumusunod lang po ako bilang isang tauhan.”

***

WE HAD a brief chat with Aiza Seguerra prior to the presscon proper. Ayon sa kanya, tuloy pa rin ang plano nitong mag-undergo ng artificial ensimation but not in the near future. Marami pa siyang mga plano na kailangang gawin but at 28, hindi magiging ang problema ang pagbubuntis dahil in the advent of our new technology, naka-frozen na ngayon ang mga embryo na kung kailan mo gustong magbuntis ay nakahanda na ang mga ito.

Tuloy din ang planong mag-ampon at pipiliin nito ang isang baby boy dahil sa paglaki nito, he can live on his own unlike kung baby girl, from childhood to maturity ay dapat closely monitored. “Masakit sa girl eh, lalo na ‘yung I will let her go. Feeling ko magiging istrikto ‘ata ako. siyempre, tatanungin ko lahat ng mga lakad niya. Pero sa boy, okey na gawin niya ang gusto niya. Kung gusto nitong mag-asawa then, go!” paliwanag nito.

Hypothetically, natanong namin ang kanyang magiging reaksyon kapag lumaking ‘tibo’ ang kanyang inampon na baby girl? Aniya, “Well ako naman, tinanggap ako ng mga magulang ko dahil alam nila na dito ako maging masaya. So kung saan siya maging masaya, go for it.”

Kaya lang hindi siya naging responsive nang tanungin namin ang kanyang lovelife.

Sila pa rin ng kanyang lovey-dovey pero nang sundan ko ito ng isa pang tanong kung going stronger pa rin ang kanilang relasyon, agad siyang nag-excuse as in, huwag pag-usapan ito. May gan’un?!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply