Ai-Ai delas Alas nangangarap nang gising

TAMA si Gov. Vilma Santos na pagbawalan itong si Ai-Ai delas Alas o pigilan sa plano nitong pumasok sa larangan ng pulitika. Imagine, nangangarap si Ai-Ai na maging isang congresswoman sa kanilang lalawigan ng Calatagan, Batangas. Well, kahit kami ay hindi kumbinsido na pasukin ni Ai-Ai ang pulitika lalo pa’t sa panahong ito. Hindi ba nya alam na naghihikahos ang ating bansang Pilipinas at maraming problemang kinakaharap at ano naman ang kanyang maitutulong gayong ang kanya mismong showbiz career ay nasisilipang posibleng sumemplang?

Wala na talaga siyang ningning kung ikukumpara noong nagdaang panahon, ano ang kanyang gagawin sa larangan ng pulitika? Mag-artista ka lang at baka dito ka pa magtagal nang husto. Maaari ka naman ding makatulong sa iyong mga kababayan kahit isa ka lang na artista. Wag ka ng dumagdag sa mga ilang naging mapangahas na tulad mong celebrity. Iba ang klase ng pagtulong na ginagawa ng mga taong kabilang sa larangan ng pulitika. Hindi yan yung parang artista kang pakendeng-kendeng. Mahirap at dapat laging seryoso ka at buhat at bukal sa kalooban ang pagtulong.

***

Eugene litong-lito kung saang karosa sasakay

YAN ang hirap sa mga artistang tanggap nang tanggap ng labis sa isang pelikula. Yung sa dalawang pelikula nga ay hirap ka na ngang mag-promote, tatatlo pa? Heto ngayon ang siste, nahihirapang magdesisyon o litung-lito na si Ms. Eugene Domingo kung anong karosa ang kanyang sasakyan o kanyang sasamahan. (Shake, Rattle & Roll 13 ang sinakyan niya, Manny.- ED)

***

Martin del Rosario gumaganda ang showbiz career

BUKOD sa “The Healing” ay kasama pa rin pala si Martin del Rosario sa pelikulang “Won’t Last A Day Without You.” Thank God at gumaganda raw ang kanyang showbiz career. Imagine nga naman kabagu-bago ay marami na itong pelikulang sinabakan. Eh kasi nga bukod sa guwapo na, matalino pa pagdating sa acting. Ang dami-raming mga baguhan ngayon pero tanging si Martin lang ang mabilis na napansin.

***

‘Show Up!’ ang bagong game show ng bayan

YES, mga kaibigan mapanonood na ang Show Up!, Ang Bagong Game Show ng Bayan, sa Global Destiny Cable number 5 araw-araw mula Lunes hanggang sa araw ng Sabado mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng tanghali. Para sa mga gusto pang sumali sa kanilang mga palaro ay abangan lamang ang kanilang regular auditions kung saan sa Isetann Mall ginagawa. Kaya magmadali ang lahat ng mga kabataan na gustong magwagi ng malalaking papremnyo.

Ang nasabing show ay kinabibilangan ni Chabelita, Boobay, Samantha Page, Mico Aytona at ang bagong kaibigan ng bayan na syang nagbibigay ng blessing na si Jireh. Para sa mga ilan pang karagdagang kaalaman, sundan o magbukas lamang kayo ng inyong Facebook account, YouTube at makikita ang mga schedule kung kailan at saan ito ginagawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply