Aklan isinailalim sa state of calamity

NASA state of  calamity (SOC) na ang buong lalawigan ng Aklan bunga ng pinsalang dulot ng bagyong Sendong.

Kaugnay nito, nakapagpasa na ang sangguniang panlalawigan ng resolusyon na magbibigay ng awtorisasyon kay Aklan Gov. Carlito Marquez na gamitin ang 70% ng Disaster Preparedness Fund na nagkakahalaga ng P22 milyon at 30% ng Quick Response Fund na may laang P9 milyon kasunod ng pagpapasailalim sa SOC ng lalawigan ng Aklan.

Ayon kay sangguniang panlalawigan member Nemesio Neron, kailangan talaga ngayon ang naturang pondo para maibigay ang tulong sa ilang munisipyo partikular na ang bayan ng Banga na ngayon ay nangangailangan ng “immediate solution” sa kinakaharap na problema sa soil erosion sa Brgy. Taba-ao.

Marami na ring mga kabahayan ang nasira dahil sa kinakain ng tubig sa Aklan River ang lupa gayundin ang bayan ng New Washington na nauna nang isinailalim sa state of calamity dahil sa pinsala na dulot ng matinding pagkasira ng seawall sa Brgy. Tambak sa naturang bayan.

Napag-alaman na may 33 kabahayan ang nawasak simula pa noong bisperas ng Pasko bunsod ng malakas at malalaking alon dala na rin kawalan ng proteksyon ng seawall.

Sinabi naman ni Neron, na gumagawa na rin ng hakbang ang provincial government para masolusyunan ang naturang mga problema.

Aniya, bibigyan din umano ng tulong ang mga mamamayan na nawalan ng bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply