Aksidente sa motorsiklo sa Iloilo 6 na ang patay

ANIM na ang namamatay sa aksidente sa isang motorsiklo sa Brgy. Asisig, San Enrique, Iloilo.

Nabatid na nasawi sa Western Visayas Medical Center ang pinakahuling biktima na si Rogelio Albasete, 19, ng Brgy. Madarag sa bayan ng San Enrique.

Una nang napaulat na nasawi sa Don Valerio Palmares Sr. Memorial Hospital sa Passi City, Iloilo ang limang kasamahan ng biktima na sina Aron Casamayor, 25, na siyang driver ng motorsiklo at ang mga sakay nito na sina Arvie Maritana, 19; Jenelle Sucaldito, 17; Michael Angelo Satonino, 17, pawang mga residente ng Brgy. Madarag at Warren Palmes, 14, ng Brgy. Hagimitan, Passi City.

Base sa report, bumangga sa puno ng kahoy ang motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima kung saan mabilis umano ang takbo ng nasabing sasakyan kaya’t naaksidente.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang mga sakay at pawang nagtamo ng malulubhang sugat.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply