Alert status sa Region 12 itinaas

INILAGAY na sa pinakamataas na alert status ang Region 12 ukol sa ipinatutupad na seguridad ng mga kapulisan matapos ang serye ng pagkakarekober ng mga bomba sa rehiyon.

Ayon kay Police Chief Supt. Benjardi Mantele, Police Regional Director ng PNP 12 na nagsasagawa ng command conference ang lahat ng PNP Provincial Director, City directors at mga Chief of Police para alamin ang ipinatutupad na security measure sa area of responsibility (AOR) matapos ang serye ng pagkakakuha ng bomba sa lugar.

Inihayag ni Mantele na patuloy pa ang validation sa mga report at sa narekober na mga bomba.

Bukod dito, inaalam na din kung sinong grupo ang may kagagawan nito na ang motibo ay guluhin ang ipinatutupad na seguridad at manakot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply