Aling network ang matututunang pakitunguhan ni Maricel para may malugaran siya?

MARICEL SORIANO, along with Gabby Concepcion, leads the powerhouse cast of Regal Multimedia, Inc.’s “Yesterday, Today and Tomorrow,” one of the seven official entries to this year’s Metro Manila Film Festival.

Based on its pralala, tanging ang YTT ang kalahok na heavy drama ang tema. Sa aspetong ‘yon, no need to explain, the movie helmed by Jun Lana gathers the old and young dramatic stalwarts who, in fact, represent all three major TV networks.

Tig-apat ang mga kinatawan ng GMA at ABS-CBN in the film. The Kapuso Network has Carla Abellana, Dennis Trillo, Lovi Poe and Solenn Heusaff, while the Kapamilya stars are composed of Ronaldo Valdez, Agot Isidro, Jericho Rosales and Paulo Avelino (na dating taga-GMA). Dalawa naman doon ang mula sa TV5, si Gabby Concepcion at ang newcomer na si Eula Caballero.

So, where does that leave Maricel?

“Yesterday,” she was with ABS-CBN then was given a break in TV5…”today,” she’s back doing a movie with a film company that had given birth to her as a Regal baby …eh, “tomorrow” kaya, aling istasyon ang matututunang pakitunguhan ni Maricel nang maayos para may malugaran siya?

XXXX

IPINARATING namin sa kasamang Shirley Pizarro, publicist of GMA Artist Center, ang naulinigan naming matinding clamor for Ms. Ida Ramos-Henares to resign from her post as head of the said department based on allegations na may prior knowledge umano ito sa pagsasailalim ng makalawang beses na pagpapa-abort ng kanyang pamangking si Rhian Ramos.

Categorically, itinanggi ni Shirley na walang kinalaman o kaalaman si Ida, unless the ones who are pressing her for resignation ay ‘yung mga mismong tao raw na imbiyerna sa GMAAC head. Idinamay lang daw kasi ni Mo Twister si Ida, and for this, she’s filing libel charges against Mo.

Bukod pa raw ang asuntong ‘yon sa mga kasong isinampa o isasampa pa lang ni Rhian, ng ina ng aktres at ng pamunuan ng GMA bagama’t in Mo’s latest statement ay humingi na siya ng dispensa sa nasabing istasyon.

Going back to Ida, she seems to be caught in the eye of the storm based on unfair speculations that she was allegedly privy to her niece’s having twice undergone abortion.

Kinukuwestiyon tuloy ang pagiging Kristiyano nito, na kung naatim raw niyang makitang nagpalaglag umano ang kanyang sariling pamangkin, how much more ‘yung mga artistang babae sa pangangalaga ng kanyang departamento?

Inilatag lang namin kay Shirley ang mga paratang kay Ida. Let this not serve as a slur against Ida from our end. Nakabibingi kasi ang isyung ito laban kay Ida, that it’s best for her to address the issue… now.

XXXX

CONSISTENT pa rin si Batangas Governor Vilma Santos-Recto that her biological age has steadily stopped at 36. Kunsabagay, with her still-youthful aura and vibrant energy, who says she’s hmmm, yes, 36, ‘di nga ba?

In last Wednesday’s Voices & Rhythms, singing contest to mark the Province of Batangas’s Foundation Day held in Calaca, inanunsiyo na ni Ate/Gov. Vi ang malaking sorpresang dapat abangan ng kanyang mga fans at supporters as she notches her 50th year in showbiz next year.

But while she prepares for yet the biggest milestone in her showbiz career, she has her hands full with her gubernatorial work. Naging matagumpay kasi ang taunang Ala, Eh Festival held in various towns of Batangas capped by a showdown among the provin -ce’s singing voices.

Sa palibot ng Calaca Municipal Hall, nagsilbing pagkakataon ng mga Batangueno to exhibit their products from each town.

Kaso, nais naming tawagin ang pansin ni Mayor Nas Ona na pagsabihan ang ilan sa mga nakatalagang guwardiya na maangas at bastos ang pakikitungo sa aming mga entertainment media na bumiyahe pa all the way from Manila! Hindi pa ba sapat ang mga nakasabit naming network ID only to be denied entry within the hall’s premises, na kahit paggamit na lang ng C.R. ay ayaw pa kaming papasukin?!

‘Di ba’t malaking kagaguhan ‘yon, Mayor Ona, to think na inimbitahan kami ni Gov. Vi, ang taong ‘di hamak na mas mataas ang puwesto kesa sa inyo?!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply