All-out-war vs corruption idineklara ng bagong AFP chief

IDINEKLARA ni Lieutenant General Jessie Dellosa, ang bagong upong Armed Forces of the Philippines Chief of Staff ang all-out war laban sa katiwalian.

“Now we declare an all-out-war against graft and corruption. In doing so, we shall have the moral ascendancy worthy to be called soldiers of our people. An all out war against graft and corruption and against the organizational misfits will free us from the seemingly and never ending corruption in the military,” bahagi ng talumpati ni Dellosa.

Sinabi rin ni Dellosa ang apat na prayoridad ng Sandatahang Lakas ng Bansa sa kanyang panunungkulan, ito ay ang territorial defense, internal peace and security, disaster preparedness at organizational reform.

Si Dellosa ay kaklase ng nagretirong si General Eduardo Oban sa Philippine Military Academy (PMA) at dating aide d’camp ni yamaong Pangulong Corazon Aquino.

Kabilang rin si Dellosa na nanguna sa pagdepensa sa Malakanyang noong panahon ng kudeta.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply