‘All-out war’ vs logging sa ARMM ikinasa

REPORT na lamang ng binuong task force na nagsagawa ng imbestigasyon sa illegal logging sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang hinihintay ngayon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ang illegal logging ang itinuturong dahilan ng matinding pagbaha sa Iligan City at Cagayan de Oro na ikinamatay ng halos 2,000 katao.

Sinabi ng Pangulo na pagbabayarin ang sinumang lumabag sa panuntunan sa pagpuputol ng punongkahoy.

Ayon sa Pangulo, mahigpit ang kanyang direktiba kay bagong ARMM OIC Gov. Mujiv Hataman na resolbahin ang nasabing problema sa illegal logging.

Iniutos na rin ng Pangulo ang paggamit sa lahat ng resources at puwersa ng gobyerno para maipatupad ang batas at inilabas ng Executive Order 23 hinggil sa logging ban.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply