AMLA bill posibleng ibala ni PNoy vs kritiko

NANGANGAMBA si Sen. Jinggoy Estrada na baka gamitin ng administrasyong Aquino  ang panukalang amendahan ang Anti-Money Laundering Act laban sa mga kritikong bumabatikos kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Estrada, lubhang nakatatakot ang panukala na i-freeze muna ang partikular na bank account bago ipagbigay-alam sa may-ari na nakatakda sa aamyendahang probisyon ng AMLA.

Aniya, hindi siya apektado sakaling ganito ang maipasang panukala sa AMLA bill bagkus baka mapersonal ang matitinong negosyante na bumabatikos kay PNoy.

Tiniyak ng senador na hindi niya tututulan ang panukalang pag-aamyenda sa AMLA ngunit magkakaroon siya ng seryosong paglilinaw sa probisyon na makaaapekto sa pagnenegosyo.

Nakatakdang ihain sa plenaryo ng Senado ang AMLA Bill matapos lumagda ang karamihan sa miyembro  sa committee report na ipinaikot kamakailan.

Ngunit nilinaw ni Estrada na hindi nangangahulugan na lumagda sila sa committee report, aprubado na ang panukala kundi layunin nitong umusad sa plenaryo ang pag-aamyenda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply