Anak hinostage ng sariling ama sa La Union

WANTED ngayon sa awtoridad ang isang ama na nang-hostage ng sariling anak na binitbit pa sa bundok sa Barangay Bawanta, bayan ng Bauang, La Union.

Kinilala suspek na si Ruben Baredo, 41, ng nasabing lugar.

Nangyari ang insidente sa kanilang tahanan kaninang ala-1:00 ng hapon matapos mag-away ang suspek at ang misis nito.

Nabatid na sinaktan ng mister ang asawa nito kasunod ang paghagip ng kutsilyo at saka hinila ang 13-anyos na anak na babae.

Sa ngayon ay pinaghahanap ng pulisya ang dalawa at nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa pangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply