Anak ng live-in partner ginawang sex slave

KALABOSO ang isang dating Sanguniang Kabataan Federation president matapos nitong gawing “sex slave” ng limang taon ang anak ng kanyang live-in partner sa Ilocos Sur.

Nakatakda nang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Constante Bolante, Jr.

Nabatid na 11-anyos pa lamang ang biktima na itinago sa pangalang Nina nang makilala ng kanyang ina ang suspek sa Pampanga hanggang sa nagsama ang mga ito bilang maglive-in partner.

Nang umuwi umano ang mga ito sa kanilang bayan sa Burgos, Ilocos Sur ay doon na nagsimula ang kalbaryo ng biktima nang pagsamantalahan ng kanyang stepfather.

Tinakot umano ng suspek ang biktima na papatayin sila kapag nagsumbong kaya naman naitago ang ginawang kababuyan nito ng limang taon kung saan nasa 16-anyos na ngayon ang dalagita.

Nagbunga ang ginawang panghahalay ng suspek sa biktima at nang manganak na nito lamang Setyembre ay tinangka muli siyang gahasain kaya napilitan na itong magsumbong sa kanyang ina.

Agad namang humingi ng saklolo ang ina ng biktima sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Bureau of Investigation (NBI) at maging sa Criminal Investigation Division group (CIDG) kaya nasukol ang suspek.

Sa operasyon, nakumpiska naman mula sa suspek ang isang baby armalite, dalawang kalibre .45, isang riffle cal.22 at mga bala ng kalibre .45 at armalite.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Burgos Provincial Jail Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply