Ang bilis ng karma sa mayabang na manager! Hahahaha!

ANG bilis ng karma sa mayabang na talent manager. Habang sumisigaw ng ‘ASIONG,’ ASIONG’ sa parada may nakarinig sa sinabi niyang ‘kulelat’ naman yan. Ang ending, ‘yung pelikula ng mga alaga niya ang kulelat ngayon. Nasa No. 5 na ang MANILA KINGPIN: THE ASIONG SALONGA STORY.

Clue kung sino ang hitad na talent manager? May sakit siya pero taklesa pa rin. Ayaw pa mag-behave.

-0o0-

GRADED A ang Metro Manila Film Festival entry nila ni Dingdong Dantes na Segunda Mano.

“Si Dong pag nagkaanak na sila ni Marian puwede niyang ipamana ito at di ba iba yung may film library ka e, na meron kang filmography so parati ko pong sinasabi, be proud of your Kapuso Dingdong Dantes. He gave the performance of a lifetime.

“Si Perry Lansigan (Dingdong’s manager), sinabi, ‘Puwede bang ikaw na ang i-hire kong PR ni Dong dahil ikaw na talaga ang nagsusumigaw sa buong mundo na Dingdong is it!’

“Sabi ko, ‘Perry, mahal!’”

Ang regalo ni Kris kina Dingdong at Marian Rivera.

“Yung kay Dong it’s an exercise bag, yung pang-work-out. ’Yung kay Marian kasi Sweet, aminin mo lahat ng artista naka-heels di ba, pero pagsakay ng sasakyan, naka-tsinelas na.

“So ito… alam mo yung Prada ko na ginagamit ko parati na may zipper na may case, binigyan ko siya ng ganun.”

Loveless si Kris, kailan siya iibig na muli?

“Kung hindi man dumating yung boyfriend sa buhay ko … pero kung 2013 dumating siya, ang requirement ko po gusto ko talaga ng bilyonaryo na puwede akong i-support sa aking philanthropic activities.

“So iyan i-pray ninyo na makahanap ako ng billionaire na yun ha? At gusto ko magkaroon ng sarili kong network.”

‘Yun na!

-0o0-

BALAK na bang buntisin ni Ryan Agoncillo si Judy Ann Santos?

“Kapag nakikita mo kung gaano kagaganda yung mga anak mo, ang automatic is you really want to make another one, di ba, pero in reality you really have to a rain check, e.

“Ask us again next year, baka pag tinanong mo ako by 2012 maaaring buntis ako nun,” tumatawang sagot ni Juday.

At sayang naman ang kaseksihan ni Judy Ann ngayon kung magbubuntis siyang muli.

“Oo ini-enjoy pa,” sey pa ng young Superstar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply