Ang unang Pasko

Ayon sa mga mananaliksik,  ang unang Pasko ay naganap noong April na kung saan sa Bethlehem ay population census upang malaman ng mga Romano kung sino sa kanila ang mga rebelde laban sa pamahalaan.

Ang bayan ng Israel at halos lahat na yata ng mga bansa ay nasa ilalim ng malupit at diktador na Roma, at dahil diyan ay maraming mga mamamayan na nagtangkang mag-rebolusyon ngunit laging hindi sila nagtatagumpay dahil ang mga makapili, ang mga ilustrado, ang mga taksil sa bayan, at ang mga pare noong mga panahong iyon ay kakampi ng kanilang mga malupit na pamahalaan.

Taghirap noon sa Israel at natural lamang na mag alsa ang masa.

Ngunit mahirap gawin dahil may sundalo na laging nakabantay sa mga tao.

Bukod doon, ang mga pare, ang mga ilustrado at mga makapili ay handang magsumbong sa otoridad upang malipol agad ang lahat ng uri ng himagsikan.

Walang maupahang hotel ang pamilya ng isang isisilang pa lamang na si Jesus.

Punom-puno ang mga paupahan kaya’t sa kuweba na lang sila nagpalipas ng gabi.

Noon ding gabing iyon ay isinilang si Jesus.

Noong gabing iyon ay kumalat na ang tsismis na may isang bagong haring isisilang at hindi nagustuhan ito ni Herodes, isang Jew na pro Romano.

Isang malupit na Hudyo si Herodes. Ayon sa mga historian ay pinapatay pa niya ang sariling pamilya.

Nang makatakas sa Bethlehem si Jesus and family papuntang Egypt ay nag-order si Herodes na patayin ang lahat ng mga bagong silang na lalaki para matiyak na hindi magkakatotoo ang balitang may isang Jesus na magiging hari ng Jerusalem.

Ganyan noon sa Israel.  Mahirap ang buhay.

Walang matirhan. Malupit ang pamahalaan.

At kay raming tsutsu.

Dahil diyan, hindi inaasikaso ng pamahalaan ang paghanap ng solusyon para sa bayan.

Mga simpleng solusyon katulad ng pagpapakulong sa mga illegal logger na sanhi ng matinding pagbaha sa buong Pinas, magnanakaw sa gobyerno at  pribadong sektor at nagwawalang-bahala sa mga maysakit.

Wala ring tugon sa kawalan ng pambayad sa edukasyon, at higit sa lahat, sa kawalan ng hustisya at pampiyansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply