Ang Year of the Water Dragon

ANG Chinese Year of the (Water) Dragon ay naitala sa paparating na taon (2012). Magsisimula ito sa February 4, 2012 at magtatapos sa February 9, 2013.

Ayon sa mga Chinese, parte na ng kanilang buhay ang astrology. At sa Chinese astrology, ang mga tinaguriang “dragon people” (mga taong ipinanganak sa year of the dragon) ay nag-e-excel sa iba’t ibang larangan.

Para sa kanila, ang dragon Chinese zodiac year ay espesyal.

Maging ang mga Filipino ay naniniwala o kung hindi man ay interesado sa Chinese astrology. Ang mga Pinoy ay nais din na malaman kung ano ang naghihintay para sa kanila sa susunod na taon ukol sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng tao.

Kung ating sisiliping mabuti, sa Chinese astrology, tanging ang dragon lamang ang hindi totoong hayop.

Isa pa ang dragon ay mayroong special significant para sa mga Chinese.

Alam ba ninyo na 4,000 na taon na ang nakalilipas, mayroong dalawang malaking tribo at maraming maliliit sa China? Ang mga tribo ay mayroong kanya-kanyang mga emblems na hayop. Ang dalawang malaking tribo ay nag-isa at piniii nila ang dragon bilang kanilang simbolo.

Hanggang ngayon ang mga Han Chinese ay tinatawag pa rin ang kanilang sarili bilang “descendants of the Dragon.”

Sa Chinese astrology ang dragon ay makapangyarihan (powerful almighty king) dahil ang parte nito ay binubuo ng iba’t ibang hayop gaya ng tiger, fish, snake at eagle.

Ang Chinese dragon ay hindi nakikitang threat kahit na matatapang ang features nito, bagkus nakikita ito bilang simbolo ng kapangyarihan, superiority at pamumuno.

Nagpapatunay na espesyal ang dragon sa mga Chinese dahil hanggang sa ngayon ay ginagamit pa rin ang mga dragon sa mga disenyo ng iba’t ibang bagay gaya ng palamuti, muwebles at pampaswerte.

Ang dragon people

Kapangyarihan ang sinisimbolo ng dragon.

Kung ganoon, ang mga tinatawag na “dragon person” (ipinanganak sa dragon year) ay mga “doer.” Sila yung mga gawa ng gawa at nagtatagumpay.

Isa sa kantangian ng dragon ay nakabubuga ito ng apoy. So, ang mga taong dragon ay mainitin ang ulo. Kaya dapat na hinay-hinay lang at iwasan ang mga bagay na nakaka-high blood.

Mayroon ding mahaba at matalas na dila ang dragon kaya naman ang mga taong dragon ay sinasabing sarkastiko at matabil.

Dapat na doblehin ng mga dragon people ang kanilang effort kahit na sa anong gawain, mapa-trabaho, mapa-eskwela ito at sa iba pang proyekto o aktibidad.

Ang kanilang natural na talento at abilidad ang dapat na pangibabawin.

Iwasan nga lamang na palaging mainit ang ulo dahil tiyak na mai-spoil ang iyong ginagawa.

Ang mga swerte sa year of the dragon

Kabilang sa mga swerte sa Year of the Dragon ay ang Tigers, Rats, Rabbits, Roosters at Monkeys.

Swerte naman ang mga kulay ng dragon gaya ng shads of red, orange at blue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply