Angelica Panganiban tinangkang ipuslit ang imported bags sa NAIA?

DRAMA as in kaplastikan lang ni Angelica Panganiban ang pinairal habang nagpapaliwanag ito sa presscon ng pelikula nila para maawa sa kanya si Kris Aquino.

Sa true lang, maraming tao ang nagpapatunay na talaga naming nagmura at nagtaray sa isang customs official si Angelica. Yes, true din na tinangkang i-smuggle nito ang imported niyang Hermes bags.

Pero nawala ang katarayan ni Angelica Panganiban nang klaruhin sa kanya ng entertainment press ang ukol sa nangyari sa kanya sa NAIA nang dumating mula USA.

Tila isang napakaamong Angelica ang nagpapahayag ng kanyang saloobin ng mga oras na iyon kaya naman to the rescue sa kanya si Kris Aquino. Pero teka, hindi kaya dapat munang mag-imbestiga si Tetay sa kung ano talaga ang tunay na nangyari bago siya magbitaw ng salita?

Para kasing gustong kastiguhin na agad ni Tetay ang Customs official gayung hindi pa niya alam ang tunay na pangyayari.

Bumait ba bigla si Angelica dahil maraming press ang kaharap niya at may ipino-promote na pelikula?

Sa totoo lang, minsan na naming nakita ang pagkamataray at kasungitan ni Angelica na wala sa lugar. Ito’y minsang i-approach namin siya para ma-interview. Nasabi nga ng ilang kasamahang press noon na sayang ang ganda ni Angelica dahil hindi ganoon kaganda ang ugali.

Anyway, sa nangyaring pagtataray at pagmumura ni Angelica, may mga nagsasabing tila walang breeding ang magandang girlfriend na ito ni Derek Ramsay. Nakapanghihinayang daw ang kagandahan nito kung hindi magkakaroon ng maayos na pag-uugali.

Kung alam lang ni Angelica, na taxable talaga ang mga imported bag na ipinapasok sa bansa. Six months ago nga ay dumating din sa NAIA mula sa kanilang bakasyon sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao mula Bangkok. May dala rin itong isang Hermes bag at siningil sila ng P12,000 tax. Walang naging problema dahil binayaran agad ng dalawa ang tax dahil alam nilang taxable ang dala-dala nila. Ang knowing Lloydie, isang mabait na bata ang aktor kaya walang naging problema.

Kung tutuusin, nakamura pa pala si Angelica sa kanyang binayarang dalawang Hermes bag dahil siningil lamang siya ng P12,000 plus. Dapat pala’y magpasalamat pa si Angelica sa Customs official at hindi mura ang iginanti niya.

Sana’y mahimasmasan si Angelica sa ginawa niyang ito dahil hindi maganda sa tulad niyang iniidolo na nagpapakita ng kagaspangan ng ugali.

And besides, nagtatrabaho lang ang mga Customs official na hindi dapat sinisigaw-sigawan at minumura.

***

KC Concepcion di kaya mangamote lang sa Viva Films?

NGAYON ay alam na namin kung saan nanggaling ang biglang paglipat ng management ni KC Concepcion. She just signed up a new contract with Viva Films. It is inferred that soon after, KC will also join TV5 just like her mom did.

Wala naman pala siyang existing contract with ABS-CBN. Nang bitawan pala siya ni Shirley Kwan, inampon lang siya ng Dos, di naman pala siya pinapirma ng kontrata. At dahil sa isyu sa kanila ni Piolo na halatang mas pinaboran ng Dos, she was given the cold shoulders kaya sa Viva Films siya napadpad.

Pero teka, maging malaking artista kaya si KC sa Viva Films gaya nina Sarah Geronimo, Anne Curtis at Cristine Reyes? Di kaya mangamote lang siya sa naturang film outfit?

***

Joel Mendoza big hit sa local audience

WE WERE invited by Joel Mendoza na panoorin ang isang guesting niya sa isang show sa Heritage Hotel nung isang araw. Joel is such a big hit na talagang mani na lang sa kanya ang mga fine performances.

Sa true, sanay sa Las Vegas si Joel at doon nakasama na niya si Lani Misalucha. Aba, hindi biro na isang Lani M ang makasabayan mo.

Anyway, nakabibilib din na nagsidating ang maraming fans at friends ni Joel mula pa sa San Diego, California where he regularly stays.

Sanrekwa talaga yung old timers sa San Diego na sumuporta kay Joel, bukod pa sa mga fans niya rito sa Pilipinas.

It was a great evening dahil talaga namang minsan pa, ipinakita ni Joel Mendoza na puwede siyang magkaroon ng puwang sa Filipino audiences.

By the way, nangalay ang mga daliri ni Joel sa pagpirma ng mga albums niya na napakarami ang nabili sa lobby ng Heritage, Aba lahat ng nanood, di talaga pumayag na di makabili ng kanyang Pakinggan N’yo Ako album.

Congrats!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply