Anim na oras ng Pilipinas

TATLUMPUNG koponan ang nagkasubukan ng tibay at diskarte sa pagmamaneho sa Philippine Endurance Cup ilang linggo pa lang ang nakakaraan. Sa unang pagkakataon, itinaas ng mga organizer ang hamon ng pagmamaneho sa loob ng Batangas Racing Circuit ng anim (6) na oras. Ang nasabing race track ay may habang 3.4 kilometro.

Ang Endurance Cup ay isang kompetisyon kung saan ang mga kalahok ay magpaparamihan ng lap na maitatala sa loob ng anim na oras. Ang bawat koponan ay may tatlo (3) o apat (4) na miyembro na maghahalinhinan sa pagmamaneho ng sasakyan paikot sa race track.
Ang koponan na may pinakamaraming lap na maitatala ang siyang magwawagi.

At gayun na nga ang nanagyari sa Team Flatout na siyang hinirang na kampeon ngayong taong ito. Gamit ang kanilang 1.6L Honda Civic, napanalunan nina Jay Castellano, Edward dela Rosa, Gerard Loy at Marc Thomann ang Overall at RP Cup. Nakapagtala ang Team Flatout ng sumatotal na 159 na lap sa loob ng anim (6) na oras.

Sinegundahan ito ng Team TrackHOS na nakapagtala naman ng 153 laps, gamit ang kanilang GT Nissan Sentra. Sumunod naman ang Team Superlux nina Rico Cheng, Eggy Ong at Jules Arambulo na nakapagtala ng 149 na lap. Gamit ang kanilang 2008 1.8L Honda Civic, sila rin ang nakapag-uwi ng 1st place para sa FM-2 category.

Ang mga beterano na sina Mike Potenciano at Mark Young ay nakapagtala ng 141 lap at nakapasok sa ikaapat na pwesto. Ang koponana ng MyMitsu ang kumumpleto sa top 5 sa kanilang 134 na lap at sumegunda naman sa Team Superlux sa FM-2 category.

Ang dalawang grupo ng Team MLPH ang nakapag-uwi ng ikaanim at ikapitong pwesto kaya naman sila ang hinirang na kampeon pagdating sa Team standings. Ang combined total ng kanilang koponan ay 230 lap.

Mula naman sa Baguio ang koponan na kumumpleto sa top 8 — ang Team Hygienix-Zola na nakapagtala ng 52 lap.

Ang Philippine Endurance Cup ay pinangangasiwaan ng mag-asawang Enzo at Dalia Pastor at suportado ng Achilles Radial, Advanti Racing, V-Kool, Mini, DKC Tire Center, HKS Super Oil at ng SpeedLab.

Para sa buong listahan ng mga kalahok at nagwagi, maaaring bumisita sa kanilang official website, www.philendurancecup.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply