‘Anointing of the sick’ hindi ipagkakait kay GMA

NILINAW ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi tatanggi ang Simbahang Katolika sakali mang humingi si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na mapahiran ng langis o mapagkalooban ng sakramentong “anointing of the sick.”

Ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, chairman ng Episcopal Commission on Cannon Law ng CBCP,  obligasyon ng mga alagad ng Simbahan na gawin ang pagpapahid ng langis sa noo ng may sakit, maging ito man ay dating Pangulo o ordinaryong indibidwal.

Ani Medroso, kung hihilingin ni GMA, na ngayon ay mambabatas na ng ikalawang distrito ng Pampanga, kahit siya o sinumang miyembro ng CBCP ay handang isagawa ang naturang sakramento.

“Ang Simbahan naman ay laging nandiyan para tumulong kahit kanino na nangangailangan ng tulong. Willing ako at kahit sino sa amin na pagkalooban ng anointing of the sick si GMA pero depende yan sa mga doktor ng dating Pangulo,” ani Medroso, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Ipinaliwanag naman ni Medroso na ang “anointing of the sick” ay ginagawa lamang sa mga taong nakakaranas ng seryosong karamdaman upang mabigyan ito ng dasal ng magandang buhay.

Umapela naman si Medroso na hindi dapat na mahaluan ng pulitika ang kanilang gagawin sakali mang humiling nga ang dating Pangulo ng “anointing of the sick.”

“Sana lang huwag na nila haluan ng pulitika kung sakaling hilingin man ito ng dating Pangulo sa Simbahan dahil ang mga sakramento is always for the people,” aniya pa. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply