Anti-korapsyon at asyenda

NAKIKITA ang dalawang malalaking palatandaan ng pagpapahalaga sa Human Rights Day: ang laban sa mga korap at panginoong maylupa.

Sa laban sa korapsyon, tinutugis ni Simeon ang nakaraang administrasyon na pinaghihinalaang kabilang sa mga may kagagawan nito.

Sa laban sa mga panginoong maylupa, ang Korte Suprema naman ang tumugis at nasukol nito si Simeon at mga kamag-anak nito sa isang asyenda.

oOo

KARAPATANG PANTAO ANG HABOL NI JUAN SA MGA KORAP AT ASENDERO

Dahil sa pagmamalabis ng mga korap at panginoong maylupa, nalulugmok sa gutom at hirap si Juan hanggang sa kalawitin na lang ni kamatayan at ng sakit ang libo at milyong lahi nito taon-taon.

Dahil na rin sa nagaganap, kahit papaano, makaaasa si Juan na magbabago ang kanyang kalagayan sa mga darating na araw.

Problema nga lang kung kailan mararamdaman ni Juan na hindi na kakalam ang kanyang sikmura at ‘di na siya ituturing na iskwater at pulubi sa sarili niyang bayan.

Sapagkat baka nakalayas na si Simeon at naggud-bay Pilipins na ang mga nasa Korte Suprema ay wala pa ring linaw ang lahat ng ito.

oOo

Ngunit kung palalawakin pa ang usapin sa karapatang pantao, hindi lang dapat ang mga korap at asendero ang tugisin.

Dapat na isama ang mga dambuhalang kompanya na hawak ng mga lokal at dayuhang negosyante sa repablik ni Juan.

Sila ang naglalagay sa milyon-milyong lahi ni Juan  sa  sumpa ng kontraktuwalisasyon at mababang pasahod saka pipigain ang mga ito sa mahal na petrolyo, toll, kuryente, langis, tubig, pagkain, pabahay, gamot at ospital, edukasyon at iba pa.

Ang isang katanungan ay kung kayang isulong ni Simeon at ng Korte Suprema ang karapatang pantao sa mga usaping ito hanggang gumaan ang kalagayan sa buhay ni Juan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply