Apela ni GMA sa hospital stay, dedesisyunan bukas

UMAASA ang kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na pagbibigyan ng korte ang kanilang kahilingan na maipagpaliban ang paglilipat sa kanya sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Nakatakdang dinggin bukas ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) branch 112 Judge Jesus Mupas ang inihaing motion for reconsideration ni Arroyo kaugnay sa naunang kautusan na mailipat ito ng government hospital.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, mahalagang manatili muna ng St. Luke’s Medical Center Ginang Arroyo para sa tuloy-tuloy na gamutan sa kanya na na-diagnose na may sakit na colitis.

Gayunman, nilinaw ng abogado na nakahanda umano silang sundin anuman ang magiging desisyon ni Judge Mupas.

Una na ring inihayag na mananatili pa rin ang serbisyo ng attending physicians ni Arroyo kahit mailipat na ito ng VMMC.

Kabilang pa sa hirit ng dating pangulo ay ang mapayagan siyang magdala ng laptop at mga communication devices sa kanyang kuwarto kabilang na ang cellpnone at laptop.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply