Apela ni PNoy iniisnab pa rin ng China

HINDI pa rin pinapansin ni Chinese President Hu Jintao ang apela ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino para maisalba sa kamatayan ang overseas Filipino worker (OFW).

Sinubukan ni Pangulong Benigno Aquino III na  maisalba ang isang Pinoy na convicted sa kasong drug trafficking na bibitayin sa Huwebes.

Nabatid na hanggang ngayon  ay wala pa ring natatangap na sagot ang Pangulo sa pinadala niyang liham.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi pa rin naman sila sumusuko na posibleng mabigyan ng pabor sa mga susunod na araw o kahit sa mismong araw ng execution ang Pilipinong bibitayin sa ibang bansa.

Samantala wala nang ibinigay na extension ang China para sa Pinoy na bibitayin sa kanilang bansa.

Pero sa kabila nito ay walang plano ang Palasyo na sumuko sa paghingi ng mas mababang hatol sa naturang Pinoy.

Ayon sa Malakanyang, hanggang hindi nalalagutan ng buhay ang Pinoy ay hindi sila titigil sa pagligtas dito.

Kaugnay nito, sasagutin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pamasahe ng mga kaanak ng Pinoy na pupunta sa China para dalawin ito.

Nabatid na pinagbigyan ng gobyerno ng China ang isang oras na extension ng Pinoy para makapagbigay ng kanyang huling habilin. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply