Aplikasyon ng prangkisa ng PUJs, PUBs, Taxi’s sarado na sa LTFRB

HINDI na tumatanggap ng aplikasyon para sa panibagong prangkisa ang Land Transportation Franchising and regulatory Board (LTFRB) para sa PUJs, PUBs, Taxi’s at UV express maliban lamang doon sa trucks for hire, school bus services at Units na gumagamit ng alternative fuel o energy.

Ito ang ipinag-utos ni LTFRB Chairman Jaime “JJ” Jacob kung saan malalaking bold letters na babala na nakabalandra sa main gate entrance ng LTFRB upang makita agad ito ng publiko.

Sa warning signs, mababasa ang babala na nagsasaad na “Sarado Na, Hindi na Tinatanggap Talaga; Application For New Franchises For Public Utility PUB.PUJ Taxi, UV Express (Except Trucks For Hire, School Service Vehicles, and Units Using Alternative Fuel or Energy).

Ayon sa liderato ng (LTFRB), iniutos nilang ipaskil sa main gate ang warning signs matapos sunod-sunod at patuloy makatanggap ng reklamo na maraming mga managements providers, brokers, liaisons, at mga runners, ang nag-aalok at nagbebenta ng franchises na umaabot sa P180,000.00.

Malinaw na ibinabala rin ng LTFRB na hindi aniya ibenebenta ang prangkisa at kailangang i-double check muna sa ahensiya ang papeles na ipinapakita sa kanila upang malaman kung ito’y genuine o peke para hindi na magsisi sa huli.

Hinikayat din ng LTFRB ang mga biktima na ipagharap ng reklamo ang mga taong sanggkot sa panloloko ng pagbebenta ng franchise.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply