Aquino admin sinisi sa panibagong bibitaying OFW sa China

SINISI ng isang militanteng kongresista ang administrasyong Aquino sa nakatakda na namang pagbitay sa isang overseas Filipino worker sa China.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, maaari sanang pigilan ang pagbitay sa convicted drug trafficker kung hind tinulugan ng gobyerno ang kaso nito.

Katuwiran ni Colmenares, 2008 pa nakasuhan ang naturang Pinoy pero dahil sa kakulangan ng legal counsel ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay hindi na ito natulungan.

Iginiit ng mambabatas na hindi naman kinukunsinti ng gobyerno ang iligal na droga pero aminado itong napipilitang magtrabaho sa ibang bansa ang mga Pinoy dahil walang sapat na trabaho at oportunidad sa Pilipinas.

Sa ngayon, ay wala na aniyang ibang magagawa ang gobyerno kundi makiusap na ibaba ang commutation sa 35-anyos na Pinoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply