ARMM blangko sa itinalagang OIC ni PNoy

WALA pang natatanggap na komunikasyon ang pamunuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) mula sa tanggapan ni Pangulong Benigno Aquino III o sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagsasabing may itinalaga nang OIC sa katauhan ni Dating Anak Mindanao Party-list Rep. Mujiv Hataman.

Ayon kay ARMM executive secretary Atty. Naguib Sinarimbo, wala pa silang impormasyon tungkol dito.

Una nang lumabas sa mga balita na nanumpa na si Hataman kay Pangulong Aquino nitong ika-15 ng Disyembre at inaasahang pormal na uupo sa puwesto sa Huwebes (Disyembre 22).

Sinabi pa ni Atty. Sinarimbo na may mga pending legal issues na kailangan na malinawan tulad ng hindi pa pagpapalabas ng final resolution mula sa Korte Suprema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply