Army nakaalerto sa anibersaryo ng NPA

NAKAALERTO na ang tropa ng military kaugnay sa selebrasyon ng anibersaryo ng New People’s Army sa darating na Disyembre 30.

Kinumpirma ni Lt. Col. Alexis Noel Bravo, commanding officer ng 27th Infantry Battalion na nakaalerto lang ang kanilang tropa sa iba’t ibang lalawigan sa kabila ng pagdeklara ng militar ng tigil-putukan sa panahon ng Pasko.

Paliwanag ni Bravo, na hindi sila dapat maging kumpiyansa dahil batay sa kanilang karanasan, may posibilidad na magsasagawa ng pagkilos ang NPA.

Kabilang na rito ang posibleng harrassment sa mga detachment ng mga sundalo.

Kinumpirma rin niya na nagpapatuloy ang pagpapatrol ng kanilang tropa partikular sa Columbio alinsunod sa ulat at kahilingan ng mga opisyal ng bayan at mga barangay. Ito ay  upang matiyak na ligtas ang mga residente.

Nauna nang nilinaw ni Bravo na sa panahon ng ceasefire, tanging offensive operation lang ang sinususpende at nananatiling nasa defensive mode.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply