Asian market humina sa pagpanaw ni Kim Jong Il

BUKOD sa patuloy na debt crisis sa Europe, apektado rin ng balitang pagkamatay ng North Korean leader na si Kim Jong Il ang maraming merkado sa Asian region.

Sa South Korea, naitala ang 3.43 percent na pagbaba ng stocks market habang 1.26 naman ang lugi ng Tokyo market.

Maging sa Taiwan, Sydney, Hong Kong at Shanghai ay nagkaroon din ng domino effect ang agam-agam ng mga mamumuhunan.

Ayon sa ilang market analysts, bagama’t may itinalaga na umanong successor sa tinaguriang Supreme Leader ng communist North, naroon pa rin umano ang pangamba ng mga negosyante.

Sa Pilipinas, bahagya namang nakabawi ang local market.

Ang Philippine Stock Exchange index ay nagsara sa 4,318.12 level o mas mataas ng 0.31 percent.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply