Ateneo whiz kid kampeon sa Meralco Chess club tourney

PINAGHARIAN ni JC Andan ng Ateneo ang Meralco Chess Club kiddy tournament na ikinasa bilang paggunita sa kabayanihan ni Dr. Jose Rizal at ginanap sa Meralco head office sa Ortigas kamakailan.

Bukas, Disyembre 30 ay ginugunita ng sambayanan ang pagkamatay ng Pambansang Bayani na si Dr. Rizal na ibinigay ang kanyang buhay para sa inang bayan.

Ito ang kauna-unahang club title sa taong ito ni Andan na nagtala ng limang sunod na panalo sa limang laro.

Nagkasya naman si District Champion Jefferson Saltorio ng Eulogio Rodriguez Vocational HS sa ika-2 puwesto na may 3 panalo.

Nasa ika-3 hanggang ika-4 na puwesto naman na may tig-2.5 puntos ay sina Asian Youth at ASEAN Primary Olympiad Team Bronze medalist Rhal Sol Cruz ng La Salle at Prince Sanguan ng Mataas na Paaralang Neptali Gonzales.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply