AutoMoto Invasion – Astig ka Suzuki!

MAGTATAPOS bukas ang Suzuki Automoto Grand Invasion na kasalaukuyuang ginaganap sa SM Mall of Asia. Ang Suzuki Invasion ay taunang event ng kompanya na maituturing na isang celebration of all things Suzuki.

Ngayong taong ito, ang tema ay AutoMoto Invasion kung saan ang pokus ay nakatuon sa mga bagong modelo ng Suzuki cars at higit lalo na sa kanilang bagong bike models. Sa pagbubukas nito noong nakaraang Huwebes, inilunsad ng Suzuki ang limang (5) bagong big bike models—  Bandit S, GD 110, V-strom 650, GSX-R 600, at ang GSR 750.

Ayon sa Presidente ng Suzuki Phils., na si Mr. Satoshi Uchida, ang paglulunsad nila ng mga naturang motorsiklo dito sa bansa ay tugon sa requests ng kanilang mga loyal customer para sa Suzuki big bikes.

Binigyang-linaw rin ni Mr. Uchida ang mga usap-usapan na magkakaroon na rin daw ng Backbone models ang Suzuki at sinabing totoo raw ito at kasalukuyang nasa development stage ito.

Upang magdagdag-kulay at aliw sa kasiyahan, nagsagawa rin ang Suzuki ng isang Cosplay Competition noong Biyernes kung saan ang mga kalahok ay nagbihis ayon sa kanilang mga paboritong animè  characters. Ang Cosplay ay patok ngayon sa mga kabataan kaya naman karamihan sa mga sumali at nanalo sa Suzuki Cosplay Competition ay mga teenager.

Tamang timing naman ang paglunsad ng Suzuki sa kanilang bagong Alto K10 ngayong araw na isasagawa rin ang Grand Eyeball ng lahat ng Suzuki Auto Clubs sa bansa. Ang Alto K10 ang pambato ng Suzuki sa sub-compact car market, na patuoly na lumalaki dito sa Pilipinas.

Samantala, lubos namang nagpasalamat si Mr. Uchida sa mga miyembro ng mga Auto Club sa patuloy nilang pagsuporta sa Suzuki at tiniyak niya sa kanila na patuloy raw nilang pagbubutihin ang kanilang trabaho upang makapagbigay pa sila ng mas mabuti at mas maraming serbisyo sa kanilang loyal customers.

Nagtayo rin ang Suzuki ng service center malapit sa exhibit area at ang mga bumisita namang bitbit ang kanilang Suzuki motorcycle ay nakapagpa-service check-up at oil change ng libre. Ang mga Suzuki car owner naman ay binibitbit ang kanilang mga sasakyan sa car service area para sa 20-point check-up program ng Suzuki.

Loyalista man ng Suzuki o hindi, marami pa rin ang dumagsa sa AutoMoto Grand Invasion dahil sa Job Fair na binuksan ng Suzuki para sa mga nagnanais maging bahagi ng Suzuki family.

Isinagawa rin ng araw na iyon ang semi-finals ng Suzuki-Show Me The Moves Dance Competition at ang Babes on Wheels contest. Pinuno ng mga supporter ng bawat grupong kalahok ang Music Hall ng MOA para suportahan ang kanilang mga pambato.

Maliban sa mga special events sa bawat araw ng Suzuki 4-day fest, araw-araw rin silang namigay ng mga pa-raffle at papremyo sa mga bisita sa pamamagitan ng kanilang Suzuki for the Win contest.

Inimbitahan rin ng Suzuki ang sikat na OPM band na 6Cyclemind upang maghandog ng isang libreng mini-concert para sa mga bisita bukas ng gabi. Pagkatapos ng concert, ay kokoronahan na ang Ultimate Babes on Wheels ng Suzuki ngayong taong ito.

Magkakaalaman na rin kung sino talaga ang Best Dance crew ng Suzuki sa gaganaping Grand Finals ng Show Me The Moves bukas rin ng gabi.

Sa presscon na pinaunlak ng Suzuki sa media noong Huwebes, sinabi ni Mr. Uchida na ang taong 2012 ay tiyak na magiging exciting at kaabang-abang para sa Suzuki. Maliban sa kanilang bagong model line-up, magdadagdag pa ang Suzuki ng mga bagong programa na mas maglalapit sa publiko sa Suzuki. Dahil ika nga ni Mr. Uchida, “Astig ka Suzuki!”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply