Ayaw amining split na sila ng syota

DAMI ng mga supporter nina Maja Salvador at Matteo Guidicelli ang nangungulit sa amin sa Facebook kung ano na ang estado ng relasyon ng dalawa.

May mga naririnig daw kasi silang di nagkakamabutihan ang dalawa and nagtataka sila sa mga tweets ni Maja alluding na break sila ni Matteo.

“Ang bilis lang kumalat ng maliliit na stories, but I’m sure, Maja and I will fix whatever it is, and nothing to worry about,” pahayag ni Matteo which means may problema nga sila.

Pero hindi na in-elaborate ng aktor kung ano ang problemang dinadaanan nila ni Maja ngayon.

“Wala lang, I haven’t spoken to her, she’s busy pa, we have to talk pa, but okay naman lahat, you know, we’re okay. You know, little arguments here and there, but okay naman.

That’s normal ’di ba, in every relationship. But wala, I won’t confirm anything, nothing, nothing,” say pa niya.

May mga lumabas na balitang ang kawalan daw ng oras ng dalawa ang dahilan ng pagkakalabuan at itinanggi naman ito ni Matteo.

“Oras? Hindi naman, hindi naman. She’s very understanding and I’m very proud of her career and she’s also very supportive.”

Kinumpirma rin ni Matteo that her feelings for Maja is still the same.

“Oo naman. She knows that, she knows that naman, how much I love her.”

***

Dahil sa mga intriga… Movie ni Gov. ER manggugulat sa takilya?

NAKAGUGULAT naman ang hula ni Bro. Mhon na magiging number two topgrosser daw sa Metro Manila Film Festival ang “Manila Kingpin: Asiong Salonga.” Walang takot si Bro. Mhon at siguradung-sigurado siya sa hula niya na magtitiwala ka nga sa kanyang hula.

Malay nga naman natin, baka dahil sa mga intrigang pinagdaanan ni Governor ER na talaga naming matitindi, maging kapana-panabik at dumugin nga ito sa takilya.

Hindi biro yung usapin nila ni Robin Padilla na at this point ay settled na. Heto pa ngayon yung sa kanila ni Philip Salvador na diumano nag-request ito kay Gov. ER Ejercito na tanggalin na lang ang pangalan niya sa billboards and posters ng Manila Kingpin: Asiong Salonga na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival ngayong Dec. 25.

Nagsimula ang controversy sa pagitan ng dalawa nang magpahayag si Philip na feeling niya ay nabastos siya sa nasabing pelikula. Inatake pala ng billingitis si Philip dahil ang reklamo nito, sobrang liit daw ng pangalan niya sa credits ng pelikula.

Sa paliwanag naman ng PR man ni Governor na si Jobert Sucaldito, na-hurt daw si Gov. ER sa akusasyon ni Philip Salvador na nabastos ito dahil wala naman daw ganung intensyon ang aktor/politician.

“Ang sabi ni Gov. ER, hindi niya binastos si Ipe. ’Yung billing sa baba ay una ang pangalan ni Ipe, sinundan ni Carla Abellana at pangatlo lang si ER. Sa taas ay dalawa lang ang nakalagay na artista – sina ER at Carla lang dahil sila ang bida. Pero sa baba ay nandoon ang lahat ng cast at nangunguna ang pangalan ni Ipe,” pahayag ni Jobert.

Hindi pa alam kung ano ang mangyayari ngayon, pero say ni katotong Jobert, tutal naman daw ay may presscon ang movie, doon na lang daw lilinawin ang lahat.

Samantala, bagama’t napakaraming intriga sa movie, natutuwa naman ang kampo ni ER na napakaganda ng feedback sa trailer ng movie gayundin sa pagkakadirihe ni Tikoy Aguiloz.

Ayon kay Jobert, tumataginting na P60M na ang nagagastos ng Scenema Concept Inter- national na siyang producer ng movie.

Bagama’t malalaking pelikula rin ang kalaban ng Asiong Salonga, positibo naman daw sila na magugustuhan ng manonood ang pelikula lalo pa nga’t ito lang ang hard core action film sa filmfest.

By the way, si Bro. Mhon Co ay nagpapakilalang manghuhula who claims na mataas ang batting average na nagkakatotoo ang mga hula niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply