Ayuda sa mga dayuhan ipinayo kay PNoy na hingin

PINAYUHAN ni incoming Deputy Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang administrasyong Aquino na humingi ng tulong sa mga dayuhang ahensya kaugnay sa proseso ng pagkilala sa mga bangkay sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Aniya, makabubuting makipagtulungan na sa foreign agencies ang administrasyon matapos ang delubyong humagupit sa Mindanao nitong nakalipas na linggo.

Kulang na kulang aniya ang kakayahan ng Pilipinas sa proseso ng bansa sa pagkilala at pagrekober sa mga bangkay sa gitna ng sakuna.

Ayon kay Magsaysay, ito ay matagal na rin aniyang problema ng mga rescuer at volunteers.

Kung makahihingi aniya ng tulong ang gobyerno sa mga dayuhang ahensya ay maaaari na ito ay sa pamamagitan ng ayudang cash, kagamitan, training o pag-aaral sa “best practices” na ginagamit ng mga foreign agency.

Idinagdag pa ng mambabatas na may mga bansang kalebel din ng Pilipinas na maaaring pag-aralan ang kanilang sistema at gamitin ang mga ito para mapalawig at mapaganda ang disaster management procedures ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply