Azkals sabik nang makipagsipaan sa Galaxy

PANANABIK at hindi pressure ang nararamdaman ng Philippine Football Team Azkals sa pakikipagsipaan sa MLS (Major League Soccer) champions Los Angeles Galaxy bukas, Disyembre 3 na gaganapin sa Rizal Memorial Football Stadium.

Kahit matitinik na soccer players ang makakalaro ay hindi raw papaapekto ang Azkals na rerendahan nina Phil at James Younghusband at Chieffy Caligdong.

Sinabi ni Phil na excited silang makalaban sina David Beckham at Landon Donovan.

Dumating nitong Miyerkules sa bansa ang Galaxy team sa pangunguna nina international soccer star Beckham at Donovan para sa ikalawang stop ng kanilang Asia-Pacific Tour.

Paniguradong magiging mainitan ang labanan kahit isang friendly match lang dahil ayon kay Beckham ay siniseryoso nila ang bawat laro kahit na ito’y exhibiton game.

“Every team we play against want to beat us,” ani Beckham. “It’s a friendly match but we always go into games wanting to win.

Ayon naman kay Azkals coach Michael Weiss na mangingibabaw ang defensive minded nila ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply