Babaerong pari isasailalim sa spiritual retreat

ILALAGAY sa ilalim ng spiritual retreat ng mahigit isang buwan ang isang pari sa Cebu na inireklamong nakikipagrelasyon sa dalawang babae.

Ayon sa moderator ng Immaculate Heart of Mary Parish ng Minglanilla Cebu,  Father Scipio Deligero, kailangang mabigyan ng panahon ang inireklamong pari na makapag-isip at iproseso ang kaniyang sarili.

Sinabi ni Deligero na bukas din ang kanilang komunikasyon ni Cebu Archbishop Jose Palma para maipaabot nito ang detalye ng pagsasailalim ng pari sa rehabilitasyon.

Matapos ang retreat, haharap ang pari kay Archbishop Palma na siyang magdedesisyon kung ano ang posibling parusa na ipataw laban sa kaniya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply