Bagansya hindi na ituturing na krimen

HINDI na ituturing na isang krimen “vagrancy” o bagansya.

Ito ay matapos ipasa sa huli at ikatlong pagbasa ang panukalang batas na inihain ni Palawan Rep. Victorino Dennis Socrates na naglalayong amiyendahan ang Republic Act 3815 o ang Revised Penal Code.

Sinabi ni Socrates sa kaniyang House Bill 4936, ang bagansya idinadahilan ng mga operatiba upang kikilan o ikulong ang sinumang mahuhuli sa lansangan sa mga alanganing oras na aniya ang karamihan sa mga biktima ay mga mahihirap.

“There is a clamor for the repeal of the anti-vagrancy law on the basis that it discriminates against the poor and is used to penalize those who are homeless or without any visible means of subsistence. The law has also been used in a way that discriminates on the basis of a way that discriminates on the basis of gender,” ani Socrates.

Nakapaloob sa panukala ang mahinto ang diskriminasyon sa kababaihan na pansamantalang naidedetine dahil sa bagansya na minsan ay nasasangkot sa prostitusyon samantalang pambubugaw naman sa kalalakihan.

“Women’s groups report that while women, primarily suspected
prostitutes, are routinely arrested under the law, it is never or rarely use against suspected male offenders, such as men who use prostitutes. The anti-vagrancy law has been used as a pretext for arbitrary arrest and detention,” ayon kay Socrates.

Binigyang diin naman ni Bulacan Rep. Linabelle Ruth Villarica, may-akda rin ng nabanggit na panukala na ang bagansya ang siyang idinadahilan upang makapambiktima ng mga mahihirap.

“The law on vagrancy blurs the line between poverty and criminality. As the economic crisis persists, the poor will continue to suffer from oppressive laws such as the law on vagrancy,” sinabi pa ni Villarica.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply