Bagong bagyo posibleng mamuo muli sa Mindanao

MINOMONITOR ngayon ng state weather forecasters ang posibilidad na pamumuo ng isa nanamang bagyo sa Mindanao matapos ang pananalasa ni “Sendong” na nagdulot ng matinding pinsala sa naturang parte ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, tinitingnan ang pamumuo ng bagyo sa south Mindanao.

“There is a possible formation of low pressure area south of Mindanao based on our forecast model,” batay sa pahayag sa kanilang Twitter account.

Ngunit ayon naman kay PAGASA forecaster Jori Loiz sa panayam ng dzBB, maliit lamang ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang naturang low-pressure area.

“Definitely ‘di mabubuo ito (As of now, it is not likely to become a low pressure area),” batay sa panayam kay Loiz.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply