Bagong Taon, Bagong Pag-asa

NAKAGAWIAN na natin – na kapag nagpapalit ang taon, sikat na naririnig ang  tanong at katagang: Ano ang New Year’s Resolution mo?

Sa totoo lang, paparating pa lang ang Bagong Taon, natanong na ang inyong lingkod ukol dito ng ilang beses ng mga nakakikilala sa akin.

Pangkaraniwang sagot  natin ay baguhin ang maling ugali at gawain.

Oo nga’t tayo’y may mga new year’s resolution, pero ang tanong – ito ba nama’y naisasagawa at naisasakatuparan natin?

Maaari – tinutupad natin ang ilan sa new year’s resolutions, pero ang karamihan – sinabi ngayon pero kinalilimutan pagkatapos.

‘Yan ang ugaling mali na dapat nang mabago kung nais nina Mang Juan at Aling Maria na mabago ang kanilang buhay.

Kung ang new year’s resolution mo ay ang baguhin ang sobra mong katamaran, dapat ay pangatawanan mo –  magsipag ka.

Pasensya na pero ito ang katotohanan – ang katamaran ay ilan lang sa masasamang ugali – aminin natin – kaya ‘di tayo umuunlad.

Sa ibang bansa – lalo na sa mga mauunlad ngayong nasyon, katulad ng Japan, Canada at Australia – walang ‘Juan Tamad.’

Kung may mga new year’s resolution ang mga Hapon, Canadian at Australian – ito ay ang pagtulong na lang ang nasa isip.

Kasi sila’y may mga pera, resulta ito ng kanilang pagiging masipag kaya lalong yumayabong ang kanilang buhay.

Ano ba ang ipinagkaiba nila sa mga Pinoy?

Wala. Magkakatulad tayong tao sa mundo na pagdating ng araw ay mamamahinga rin.

Kung nais nating umunlad, gawin natin silang modelo sa ating buhay.

Kailangan ay gumawa tayo ng tama at nararapat.

‘Di natin nilalahat ang Juan dela Cruz at Maria dela Cruz ay tamad.

Marami rin sa ating mga Pinoy ay masisikap at masisipag.

Pero ang ‘di natin maitatatwa – mas maraming ‘Juan Tamad’ kaya ‘di natin katulad sina
Harimoto, Baldwin at Jones.

Huwag tayong magdepende sa kasabihang “Bagong Taon, Bagong Pag-asa” na malimit din nating naririnig kapag Bagong Taon.

Kailangan nito ang kaakibat na pagkilos para makamit ang hinahanap nating pag-asa kapag sumasapit ang Bagong Taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply