Bagsak na ekonomiya isinisi kay PNoy

ANG pamahalaang Aquino lamang ang dapat sisihin  sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ito ang tahasang sinabi ni Minority Leader Edcel Lagman na tanging ang gobyerno ang dapat sisihin sa isyung ito na lantaran aniyang nasumpungan nang maging panauhin si Pangulong Aquino sa ika-30 taong anibersaryo ng Makati Business Club (MBC).

Sa halip aniyang pagtuunan ni PNoy ang lumalalang suliraning pang-ekonomiya ng bansa ay mas ginusto pa niyang pagtuunan ng pansin ang matiyak na pagbilanggo kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Lagman, ang paghahanap lagi ng pamahalaan ng kasalanan ng nakaraang administrasyon ay palatandaan lamang ng “poor governance” ni Pangulong Aquino.

Ang ginagawa aniyang paninisi kay GMA ay kahayagan lamang ng pagtatakip sa mga pagkukulang at kawalan ng aksyon ng administrasyon sa iba’t ibang suliranin ng bansa.

Giit pa ni Lagman na tanging ang pamahalaan lamang ang marapat na sisihin dahil mas binigyang panahon at oras ang isyung pulitikal kesa sa problema ng bansa sa ekonomiya.

“Concerned citizens expressed via social networking their disgust and condemnation of the President’s predilection for castigating the Supreme Court and Arroyo.”

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply