Bagsik ng benggansa pinatikim ni mayor sa Gapo

WASAK-WASAK at masasama ang mga daan sa Brgy. Gordon Heights sa Olongapo City. Hindi kasi inaaksyunan ni Olongapo Mayor Bong Gordon ang mga ito.

Mantakin ninyo, halos mag-eeleksyon na sa 2013  at matatapos na ang termino ni Mayor Gordon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ipinaaayos ang wasak-wasak at lubak-lubak na kalsada ng Brgy. Gordon Heights.

Tinambakan nga ng lupa pero pag umulan ay balik na naman ang lubak-lubak nito.

Alam ba ninyo ang dahilan kung bakit hindi  ipinaaayos ni Mayor Gordon ang Brgy. Gordon Heights? Sa barangay daw na ito kasi parating talo si Mayor Gordon kada halalan.

Kaya hayun katakot-takot na pambebengga ang ginagawa ng naturang alkalde.

Bukod sa wasak na kalsada, pati ang mga poste ng kuryente ay ‘di mapaayos. Hindi rin mapatigil ang mga nanggugulong istambay dahil sa kulang ang mga pulis na rumoronda sa kanila.

Kung ganito nang ganito ang lahat ng mga alkalde sa bansa ay walang patutunguhan ang isang lungsod o siyudad  sa mga alkaldeng benggador gaya ni Mayor Gordon.

LOTTENG NG MAG-UTOL PADER KAY MAYOR

Patuloy pa rin ang operasyon ng lotteng ng Aguila Brothers na lalong kilala sa mga pangalang Art at Romy Cruz  ng Parañaque.

Walang takot at buong tapang na ipinagmamayabang ng mag-utol na Cruz na malakas at nagbibigay sila ng intelihensiya mula sa tanggapan ni Mayor Jun Bernabe at sa hepe na si Supt. Billy Beltran. Halos buong barangay ng lungsod ay lantaran ang ginagawang pangungubra ng mga kabo ng mag-utol.

Pader kasi kay Mayor Bernabe ang mag-utol!

Anoman ang reklamo o puna, i-text lang sa 091892-74764,09266719269 o i-e-mail sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply